Villar Group, bibili at magdo-donate din ng bakuna

Nakipagkasundo ang home furnishing business na AllHome ni Manny Villar sa pharmaceutical company na AstraZeneca para sa coronavirus vaccine para sa kanilang mga kawani at donasyon sa publiko.

Ayon sa dating senador, “The Villar Group believes in protecting employees and their families. This vaccine will save not only lives but jobs and businesses as well.”

Dagdag pa ni Villar, “The vaccine will not only provide protection from the virus, but it will help boost consumer confidence to go out again. It is by helping each other during this time that we can start our journey to economic recovery.”

Sinabi naman ni Camille Villar, AllHome vice chairman, na patuloy na maghahanap ng paraan ang kanilang kompanya tulungan ang pamahalaan sa paglaban sa pandemic at matulungan ang publiko.

Naisagawa umano ng AllHome ang donasyon sa pamamagitan ng “A Dose of Hope Program” ng “Go Negosyo.”

Source: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/773847/56m-covid-19-vaccine-doses-darating-sa-pilipinas-sa-mayo-villar-group-may-donate-ding-bakuna/story/

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.