‘Power thieves’ pinatutugis sa PNP at LGUs

Pinatutugis ng Department of the Interior and Local Government sa PNP at mga LGU ang mga “power thieves” na nasa likod ng pagnanakaw ng kuryente at mga kable nito.

Sa isang kalatas, inatasan ng DILG ang mga pulis at LGUs na makipagtulungan sa electric distribution utilities sa pag-iinspeksiyon ng electric facilities at tukuyin at panagutin ang taong sangkot sa naturang ilegal na aktibidad ng pagnanakaw ng kuryente.

Ayon kay DILG OIC Bernardo Florece Jr., “We received reports on the theft of power cables and rampant use of illegal jumpers, especially in informal settler communities.”

Aniya, inatasan na rin niya ang PNP at mga LGUs na tulungan ang mga utilities para mapigilan at maalis na ang mga sagabal sa electric power lines.

Hiniling nya sa Bureau of Fire Protection na magbigay ng impormasyon hinggil sa mga insidente ng sunog na dulot ng mga sira o nakumpromisong electric power transmission lines o mga pasilidad.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/31/2074287/power-thieves-pinatutugis-sa-pnp-lgus

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.