Selebrasyon ng Li Chun

Kahit malamig pa rin sa maraming lugar ng Tsina at balot pa rin sa niyebe ang hilagang-silangang rehiyon ng bansa, pumasok noong Pebrero 3 ang panahon ng Li Chun o Simula ng Tagsibol.

Ang Li Chun ang una sa dalawampu’t apat na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryo ng Tsina.

Ibig sabihin, magmula sa araw na ito, unti-unti nang hahaba ang araw at iikli ang gabi; mag-uumpisang mararamdaman ang dahan-dahang pagtaas ng temperatura; masisilayan ang hinay-hinay na pagkatunaw ng niyebe; magsisimula nang marinig ang huni ng maririkit na ibon; makikita ang muling pag-usbong ng panibagong buhay sa kapaligiran; at hudyat ng pagsisimula ng bagong taon.

Ngayong 2021, ang Li Chun ay matatapos sa Pebrero 18.

May isang matandang kasabihang Tsino, “ang trabaho sa isang buong taon ay nakasalalay sa kaaya-ayang simula ng tagsibol.”Kaya naman, para sa maraming Tsino, ang Li Chun ay isang mahalagang panahon.

Source: http://filipino.cri.cn/20210203/ba00ae6e-f8b2-263f-2243-5517e1995c20.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.