Mass vaccination sa NCR vs tigdas gagawin sa mga health facility, walang bahay-bahay

Inilunsad ang mass vaccination campaign ng Department of Health kontra sa measles o tigdas.

Layon nitong maiwasan ang banta ng outbreak sa tigdas, na nagdudulot ng lagnat, pagpapantal, impeksiyon sa mata, ubo at posibleng mauwi sa mga komplikasyon gaya ng pulmonya, ear infections, diarrhea at pamamaga ng utak.

Ayon kay Dr. Corazon Flores, regional director ng DOH, mase-setup ng mga health facility bukod sa mga health centers para doon na mapabakunahan ang mga bata. Noon kasi, door-to-door ang ginagawang pagbabakuna.

Ani Flores, “We are encouraging [parents] ng mga bata na dalhin po natin sa health centers at vaccination posts. Ang ating measles-rubella vaccine [ay ligtas]. Ito ay libre at epektibo. Sa pagpunta sa health centers, i-observe ang minimum health standards. Dati nagbahay-bahay tayo. Ngayon mayroon tayong fixed posts-mga lugar na maluwag para ma-observe ang physical distancing.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/29/21/mass-vaccination-sa-ncr-vs-tigdas-gagawin-sa-mga-health-facility-walang-bahay-bahay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.