Ilang kanseladong aktibidad, pista sa Pebrero dahil sa pandemya

Dahil sa banta ng mas nakakahawang UK COVID-19 variant, nagpasya ang ilang lokal na pamahalaan na kanselahin ang iba’t ibang aktibidad o malawakang festival sa buong bansa.

Sa Maynila, kinansela na ang mga aktibidad para sa Chinese New Year. Sa inilabas na executive order ni Manila Mayor Isko Moreno, hindi papayagan ang mga dragon dance, street party, stage show, at parada sa Pebrero 11 at 12.

Bawal din ang pagbebenta ng alak sa Binondo-Chinatown area, gayundin ang paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices sa buong lungsod.

Kinansela na rin ng Makati City ang kanilang bersyon ng Mardi Gras, ang Caracol Festival, na nakatakda sana ngayong Pebrero 21.

Una na ring sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na pansamantalang kakanselahin ang selebrasyon ng Panagbenga Festival sa Baguio City. Pero maaari pa raw itong ituloy sa Abril o Mayo kung bababa ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/30/21/alamin-ilang-kanseladong-aktibidad-pista-sa-pebrero-dahil-sa-pandemya

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.