Dagdag-kaltas sa SSS umarangkada na; ilang trabahador umaangal

Lumaki na ang kaltas sa suweldo ng mga manggagawa dahil umarangkada na ang dagdag-kontribusyon ng Social Security System sa kabila ng mga panukalang batas na ipagpaliban muna ito dahil sa hirap na dulot ng pandemya.

Mas mataas sa minimum, halimbawa, ang suweldo ni Jerry Podol bilang waiter sa restaurant ng isang hotel sa Quezon City.

Pero sa payslip niya ngayong payday, lagpas 250 piso na lang ang natira sa dami ng kaltas at bayad utang.

Isa sa napansing lumaki ni Podol ang kaltas ay sa SSS contribution, na mula 700 piso ay naging 900 piso na.

Kaya para sa labor group na Defend Jobs Philippines, kailangang intindihin ang hirap ng buhay ng mga manggagawa na kulang na kulang na nga ang naiuuwi sa pamilya, lalakihan pa ang kaltas.

Dapat aniyang may gawin ang gobyerno dahil sa kabila ng mga panukalang batas sa Kamara at Senado na magpapatigil sa dagdag-kontribusyon, itinuloy pa rin ito ng SSS.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/29/21/dagdag-kaltas-sa-sss-umarangkada-na-ilang-trabahador-umaangal

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.