DOT nakatuon sa pagpapalakas ng domestic tourism sa gitna ng patuloy na pandemya

Nakatuon ngayon ang Department of Tourism sa pagpapalakas ng domestic tourism sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kung saan limitado pa rin ang international air travel.

Pahayag ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., “Yan ang pinakamahirap na tanong kung kailan makaka-recover. Ang instruction sa amin ni Secretary [Bernadette Romulo] Puyat is to focus on domestic tourism because ang nakikita natin, ito ang magiging susi sa recovery natin.”

Sinabi ni Bengzon na mas malaki pa ang revenue na nakukuha mula sa domestic tourism.

Sabi niya, “Nung 2019, ang estimate natin more than P3 trillion ang na-generate natin sa domestic tourism kumpara sa P548 billion sa international tourism. Tingin namin, in the next several months, itong pagbubukas ng iba ibang destination kailangang suportahan natin para makatulong sa pagbangon ng ating industriya.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/29/21/dot-nakatuon-sa-pagpapalakas-ng-domestic-tourism-sa-gitna-ng-patuloy-na-pandemya

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.