Apela ng DENR: Gamit na face mask, shield, itapon nang maayos

Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources ang publiko na itapon nang maayos ang mga gamit na face mask at shield dahil sa kontaminasyon na maaaring maidulot nito.

Sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na nawawala ang silbi ng paggamit ng face shield, face masks, at gloves sa labas kung hindi ito itatapon nang maayos.

Ani Antiporda, “These are all being used to protect lives…and yet pagdating sa disposal nade-defeat ang purpose niya dahil sa indisciminate na pagtatapon.”

Alinsunod sa pandemic protocols ng bansa, kinakailangang naka-face mask at face shield ang mga lalabas ng bahay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasabay nito, may iilang gumagamit ng mga guwantes o rubber gloves bilang dagdag-proteksyon. Pero matagal nang ikinababahala ng mga environmentalist group ang pagdami ng mga naitatapon na face mask at face shield na hindi naman nabubulok.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/30/21/apela-ng-denr-gamit-na-face-mask-shield-itapon-nang-maayos

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.