Obligado bang magbigay-sustento ang humiwalay na magulang na walang trabaho?

Malaking suliranin para sa mga solo parent ang pag-alaga at pagsustento sa pangangailangan ng anak.

Dagdag kalbaryo pa sa kanila kung ang hiniwalayan na asawa ay hindi nagbibigay ng sustento.

Pero sa mga pagkakataong nawalan ng trabaho ang hiniwalayang asawa, maaari pa rin bang puwersahin ang pagbibigay ng perang kinakailangan para matugunan ang mga kailangan ng anak?

Sagot ng isang family lawyer, may paraan pa rin para makapagbigay ng sustento ang magulang kahit na nawalan ito ng trabaho, partikular na ngayong pandemya.

Ayon sa family lawyer na si Shyanne Juan-Monera, “Puwede ‘yan manggaling sa conjugal properties…ng mag-asawa. Kung wala pa rin maaaring may hiwalay na properties ang mga mag-asawa, ‘yun pa rin ang panggagalingan ng suporta sa anak kasi lagi… We will always go back to the best interest of the child.”

Kasong kriminal ang maaaring ikaharap ng magulang na hindi magbibigay ng sustento sa anak.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/28/21/obligado-bang-magbigay-sustento-ang-humiwalay-na-magulang-na-walang-trabaho

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.