3 lalaking tinuturong sangkot sa iba-ibang nakawan, tiklo sa Parañaque

Positibong kinilala ng ilang biktima ng pagnanakaw ang 3 lalaki na inaresto ng mga pulis sa Barangay Sun Valley, Parañaque dahil sa pagkasangkot sa mga kaso ng motornapping at theft sa lugar.

Ayon kay Police Major Fernando Carlos, commander ng Paranaque Police Sub-station 7, hinuli ang mga lalaki sa Dampa Sun Valley matapos ituro sila sa pulis ng concerned citizen. Pawang taga-iba-ibang sitio sa barangay ang mga lalaki at walang trabaho.

Sinabi sa mga pulis na sangkot ang grupo sa pagtangay ng motorsiklo at panghahablot ng cellphone, na kinumpirma ng mga nagpakilalang biktima.

Nakumpiska sa grupo ang isang sumpak, isang caliber .38 na baril at replica ng caliber .45.

Nakuha rin ang isang folding knife at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Nadiskubre rin ang 12 ID at banking card ng posibleng biktima ng pagnanakaw.

Sabi ng isang lalaki, hindi sa kanya ang baril pero isasauli pa lang ito nang maabutan ng pulis.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/28/21/3-lalaking-tinuturong-sangkot-sa-iba-ibang-nakawan-tiklo-sa-paraaque

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.