Medical clearance required na sa mga biyahero pa-Baguio, ilang parte ng Benguet

Ire-require na magpresenta ng medical clearance at medical certificate ang mga bibiyahe papuntang Baguio City at ilang lugar sa Benguet simula Pebrero 1.

Dahil sa UK variant ng COVID-19 na nai-report sa Mountain Province at La Trinidad, Benguet, nagkasundo ang mga alkalde ng Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay na ipatupad ang naturang requirement sa mga papasok o dadaan sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon, kailangan lang magpakita ng ID o health declaration form para makapasok sa bawat bayan.

Reklamo ng mga mamamasada hinggil sa bagong patakaran, gagastos pa sila para makakuha ng medical clearance. Nagkakahalaga ng 300 piso ang isang medical clearance.

Tatagal ang border control policy hanggang Pebrero 15 sa mga natukoy na lugar. Binalik din sa general community quarantine ang rehiyon ng Cordillera simula Pebrero 1, mula sa kasalukuyang modified GCQ status.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/28/21/medical-clearance-required-na-sa-mga-biyahero-pa-baguio-ilang-parte-ng-benguet

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.