Observation period matapos magpaturok ng COVID-19 vaccine, kasama sa planong proseso— health expert

Tiniyak ng health expert na binabantayan talaga ang allergic reactions sa pagbabakuna lalo pa’t ang ituturok ay bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim, pediatric infectious disease expert, standard practice na pagkatapos mabakunahan ay dapat obserbahan ang pasyente ng 15 minuto bago payagang umalis ng clinic. Ito’y para masiguradong walang kakaibang reaksyon.

Sabi ni Lim, na isa sa mga kasapi ng technical working group ng Department of Health, bibigyan ng sapat na panahon para maobserbahan ang bawat makatatanggap ng bakuna para masigurong hindi sila magkakaroon ng reaksiyon. Sakaling may maobserbahang allergic reaction, agad din silang mabibigyan ng gamot.

Pareho lang aniya ang mga karaniwang nararamdaman ng mga nagpapabakuna tulad ng pananakit sa injection site na puwedeng mamaga. Ang iba ay nakararamdam ng pananakit ng katawan at lagnat.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/28/21/observation-period-matapos-magpaturok-ng-covid-19-vaccine-kasama-sa-planong-proseso-health-expert

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.