Bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa daigdig, bumaba nitong nakalipas na 3 linggo

Sa regular na news briefing nitong Lunes, Pebrero 1, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization, na bumaba ang bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus disease sa buong mundo, nitong nakalipas na tatlong linggo.

Saad niya, ito ay kasigla-siglang impormasyon para sa buong mundo, at nagpapakita itong kahit kumakalat ang mutasyon ng coronavirus, maaaring makontrol ang virus.

Pero nagbabala rin siyang hindi dapat agad na paluwagin ang mga protokol sa pagpigil sa pandemiya.

Source: http://filipino.cri.cn/20210202/e9eb6e5e-94c9-780e-b095-8ead6ccab1bc.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.