COVID-19 nakakabaog sa mga lalaki

Maaaring makabawas sa ‘fertility’ ng isang lalaki kapag dinapuan ng COVID-19 dahil sa pinsala sa ‘sperm cell.’

Ito ang lumalabas sa pag-aaral ngayon ng isang unibersidad sa Germany na nailathala sa journal na Reproduction, maaaring mapatay ng virus ang mga sperm cell, magdulot ng ‘inflammation’ at labis na stress sa pagkalalaki.

Batid na 84 lalaki na may COVID-19 ang isinailalim sa 10-araw na pag-aaral at ikinumpara ang kanilang datos sa 105 malulusog na lalaki.

Dito nadiskubre na ang sperm cell ng mga COVID patients ay tumaas ang ‘chemical imbalance’ na maaaring makasira sa DNA at protina ng katawan kumpara sa mga malulusog na lalaki.

Ang resulta ng pag-aaral ay ang unang direktang ebidensya umano na nagiging target rin ng COVID-19 ang ‘male reproductive system.’

Bagama’t tinanggap nila ito, iginiit ng ibang eksperto na kailangan pa ng dagdag na mga pag-aaral at ebidensya bago magkaroon ng pinal na konklusyon.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/30/2074059/covid-19-nakakabaog-sa-mga-lalaki

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.