Duterte nagpayo sa mga naloloko ng mga gumagamit umano ng pangalan niya para sa mga proyekto

May payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naloloko ng mga taong gumagamit umano ng pangalan niya para sa mga proyekto.

Sinabi ng Pangulo, “Iyong mga tao na nagiikot, masabi nila lakarin nila alam niyo ang gawin ninyo kung nagbigay na kayo ng pera, purnada talaga kayo. Hindi talaga totoo iyan, saksakin nalang ninyo, huwag mong barilin kasi maingay, madali ka mahuli. Saksakin nalang ninyo, at ito iyong mga parasites, linta and they thrive on the gullible, iyong naïve na lolokohin mo iyong kapwa mo tao.”

Paalala ng Pangulo, kung kumpiyansa naman ang isang contractor na maayos at malinis ang kanyang kontrata na nais ipasok sa gobyerno, hindi na nila kailangang manuhol o magbayad pa para mapaboran o mapabilis ang approval nito.

Hinihikayat naman ng Pangulo ang mga may magagaling at magandang record na mag-apply sa gobyerno.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/26/21/duterte-nagbabala-sa-mga-gumagamit-umano-ng-pangalan-niya-para-sa-mga-proyekto

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.