Carnapping group may bagong modus — HPG

Nagbabala ang Philippine National Police-Highway Patrol Group sa publiko sa limang uri ng makabagong modus ng panga­ngarnap sa bansa ng mga sindikato.

Kabilang sa mga bagong modus ay ang Rent-Tangay, Assume Balance Scam o Pasalo-Benta, Pasalo-Benta-Bawi, Labas-Casa sa pamamagitan ng Loan Accommodation o Labas-Casa-Talon at Labas-Casa-Talon gamit ang fictitious na pangalan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng HPG, na nakikipagsabwatan ang mga sindikato sa isang legitimate company partikular ang human resource division personnel na siyang magsilbing contact para sa isang credit investigator na tatawag at kukumpirmahin na ang isang car loan applicant ay isang empleyado.

Bilang kapalit, makakatanggap naman ng 15,000 hanggang 30,000 na piso ang contact ng sindikato.

Babala ng HPG, dapat na mag-ingat sa mga ganitong uri ng modus at tiyakin na legal ang mga pinapasukang transaksiyon.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/28/2073541/carnapping-group-may-bagong-modus-hpg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.