Lapulapu o Lapu-lapu, ano nga ba ang dapat?

Para maiwasan ang kalituhan, nilinaw ng National Quincentennial Committee kung ano ang tamang baybay sa pangalan ng Bayani ng Mactan, Cebu kung Lapulapu ba o may gitling na Lapu-lapu.

Ayon sa pahayag ng komite, “With the consent of the National Historical Commission of the Philippines, the NQC will use ‘Lapulapu’ [without a dash] as the name of the Mactan leader.”

Maging sa 1951 historical marker sa Liberty Shrine ay “Lapulapu” na walang gitling ang nakalagay.

Ipinaliwanag ng komite na kailangan nilang linawin ang pangalan ng bayani dahil si Lapulapu ang magiging “central figure of the quincentennial.”

Ang 500th anniversary ng victory in Mactan, ang pagsisimula ng Kristiyanismo sa Pilipinas at iba pang makasaysayang pangyayari ay magiging bahagi ng 2021 quincentennial commemorations.

Ang paglilinaw sa pangalan ni Lapulapu ay bahagi rin ng planong pagpapalit sa pangalan ng Mactan-Cebu International Airport.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/773410/lapulapu-o-lapu-lapu-ano-nga-ba-ang-dapat/story/

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.