Mangangalakal na marahas na inaresto tumigil muna sa paghahanapbuhay

Tumigil muna sa paghahanapbuhay ang mangangalakal ng basura na marahas na inaresto sa clearing operation sa Parañaque noong nakaraang buwan matapos ma-trauma sa insidente.

Inamin ni Warren Villanueva na trauma ang idinulot sa kaniya ng marahas na paghuli sa kaniya ng ilang miyembro ng Parañaque Task Force sa clearing operations sa Barangay Baclaran.

Hindi pa rin daw niya makalimutan kung paano siya pinadapa, hinawakan sa leeg at mga paa, ipinosas at sinipa sa mukha dahil lang sa pagtanggi niyang ibigay ang kaniyang kariton na ginagamit sa trabaho.

Masakit pa rin umano hanggang ngayon ang kaniyang katawan at tinamong sugat sa labi.

Ayon kay Villanueva, noong inaresto siya at dinala sa Baclaran police substation, sinabihan umano siya ng mga miyembro ng task force na huwag magpa-interview sa media.

Napilitan din umano siyang makiusap at humingi ng tawad dahil sa takot na makulong.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/26/21/mangangalakal-na-marahas-na-inaresto-tumigil-muna-sa-paghahanapbuhay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.