DOH at iba pang ahensiya, todo-bantay kontra pagkalat ng UK variant ng COVID-19

Binabantayan ng Inter-Agency Task Force at concerned agencies ang mga lugar na tumataas ang bagong COVID-19 cases, kasunod ng pagkakaroon ng mga kaso ng UK variant sa bansa.

Tugon ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nang tanungin sa isang CODE visit sa Pasig ukol sa community transmission ng bagong UK variant ng COVID-19.

Aniya, “Meron tayong mga inoobserbahan sa area ng Mt. Province kasi medyo malamig ang area doon and then we are also looking at the other variants na nakikita natin sa ibang lugar. We are still monitoring the same conditions sa areas na tumataas iyong new cases. We believe the DOH is doing its best and medical experts to analyze and see how we can contain this.”

Tinanung din sya kung kinokonsidera ng pamahalaang ang pagpapalawig sa quarantine ng mga umuuwing Pinoy at OFWs sa harap ng banta ng bagong COVID-19 variant.

Ani Galvez, wala pa daw desisyon tungkol dito.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/26/21/doh-at-iba-pang-ahensiya-todo-bantay-kontra-pagkalat-ng-uk-variant-ng-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.