Pamilya ng mga sundalo at pulis prayoridad na rin na mabakunahan

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama na rin sa mga prayoridad na bibigyan ng bakuna kontra novel coronavirus disease ang asawa at mga anak ng mga sundalo at pulis.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi nito na inabisuhan na niya si vaccine czar Carlito Galvez na isama na sa mga uunahing maturukan ang mga pamilya ng mga sundalo at pulis.

Kinakailangan lamang aniya na magpunta sa mga kampo para maturukan ng bakuna.

Pahayag ng Pangulo, “So ang sunod niyan is — mauna kayo. And if Secretary Galvez would — sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo.”

Dagdag ng Pangulo, “How can we function a government with a sick soldier or policeman in your midst?”

Uunahin din ng Pangulo na maturukan ng bakuna ang mga mahihirap na isang kahig, isang tuka.

Source: https://bandera.inquirer.net/275326/pamilya-ng-mga-sundalo-at-pulis-prayoridad-na-rin-na-mabakunahan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.