Tsina: Guterres, karapat dapat magpatuloy bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN

Ipinahayag sa preskon noong Enero 21 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, simula nang manungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, mabuting pinamumunuan ni António Guterres ang UN na gumaganap ng positibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa pandemiya ng coronavirus disease 2019 at iba pang mga larangan.

Lubos itong pinahahalagahan ng Tsina at ipinalalagay ng bansang Tsina na karapat dapat si Guterres na magpatuloy bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN, ani Hua.

Aniya pa, nakahanda ang Tsina na patuloy na suportahan si Guterres, kasama ng komunidad ng buong mundo, para magkakasamang pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

Source: http://filipino.cri.cn/20210122/d9bfab4f-b681-1cbb-a294-bd9ed0b86dfb.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.