Kamara isinulong ang pagtatatag ng plasma banks sa mga ospital

Isinusulong sa House of Representatives ang panukala na magmamandato sa lahat ng hospital na magkaroon ng plasma bank.

Layon ng House Bill na magkaroon ng mga pasilidad kung saan maaa­ring kumuha at maitago ang plasma, sa oras na magkaroon nito ay mas magiging madali at mapopromote ang plasma donation lalo na sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 na makatutulong sa mga pasyente na positibo sa virus.

Aniya, ilang pag-aaral na ang nagpatunay na malaki ang naitutulong ng convalescent plasma bilang treatment sa COVID. Kung ang plasma ay available sa mga ospital ay mas maraming maasahang gagaling sa COVID.

Sa ilalim ng panukala ay ang Department of Health ang siyang mangangasiwa sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation sa donation at collection ng convalescent plasma.

Ang ahensya rin ang magtatakda ng criteria kung kailan maaari nang magbigay ng plasma ang mga pasyente na gumaling sa COVID.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/26/2073065/kamara-isinulong-ang-pagtatatag-ng-plasma-banks-sa-mga-ospital

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.