P60 milyong smuggled na sigarilyo, nasabat

Nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port ang pagpasok ng mga smuggled na sigarilyo sa bansa na aabot sa 60 milyong pisong halaga.

Sa ulat ng Bureau of Customs, Enero 18 nang pigilan nilang makalabas ng pier ang dalawang container vans mula sa China at patungo sana sa Philippine Economic Zone Authority zone sa Cavite.

Naka-consign sa YJC International Corporation na idineklara na ang laman ay mga plastic frames, round tubes, plastic bags, at plastic sheets.

Ngunit nang buksan ang container ay tumambad ang nasa 1,600 packages ng sigarilyo na may brand na Mighty at tinatayang aabot sa 60 milyon piso ang kabuuang halaga.

Naglabas ang Bureau of Customs ng warrant of seizure and detention para sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at maging sa mga regulasyon ng National Tobacco Administration at Bureau of Internal Revenue.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/26/2073072/p60-milyong-smuggled-na-sigarilyo-nasabat

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.