Pinas umangat sa ika-29 puwesto sa internet speed

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology dahil sa direktiba ni Pangulong Duterte noong Hulyo na pabilisin ang pagkakaloob ng LGU permits para sa pagtatayo ng cellular towers, tumalon ng limang puwesto ang Pilipinas sa may pinakamabilis na internet speed sa 50 mga bansa sa Asya.

Base ito sa ulat ng Ookla na nagsagawa ng Speedtest Global Index nitong Disyembre.Mula sa ika-34 puwesto, umangat ang Pilipinas sa ika-29 na puwesto sa 50 mga bansa sa Asya.

Umangat din ang Pilipinas sa ika-18 puwesto mula sa ranggong ika-22 sa 46 na bansa naman sa Asia Pacific. Ito ay makaraang makakuha umano ang Pilipinas ng average mobile Internet speed na 22.5 megabits per second noong Disyembre kumpara sa 18.5 Mbps noong Nobyembre.

Ang “increase in speed of 4Mbps for mobile” mula Nobyembre hanggang  Disyembre ay itinuring na pinakamataas sa lahat ng naging monthly increase mula noong  July 2016.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/26/2073078/pinas-umangat-sa-ika-29-puwesto-sa-internet-speed

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.