Duterte nagbabala sa mga gumagamit umano ng pangalan niya para sa mga proyekto

Nagbabala si Pangulong Duterte sa mga gumagamit ng pangalan niya at ng kaniyang Cabinet para makahuthot ng pera para sa mga kontrata ng iba’t ibang proyekto.

Ayon sa Pangulo, may ilan na gumagamit ng litrato na katabi sila sa kasal, pista, o noong kampanya para sabihin na malapit o malakas sila sa gobyerno.

Aniya, “Kapag ginamit iyang mga pangalan na iyan sa mga contract purchase, the mere fact na nagamit ang pangalan, wala iyan. Walang pumapatok sa amin na ganoon, iyang lakarin.”

Inutos ni Duterte sa National Bureau of Investigation na iharap sa kaniya ang mga mahuhuli na gumagamit ng kanilang pangalan.

vDagdag niya, “I am calling on the NBI to double their time pampahuli nito, hulihiin ninyo ito tapos kung madetain niyo sa gabi at wala pa naman, bago ninyo dalhin sa korte for the formal filing, idaan mo nga sa Malacañang. Tingnan ko lang ang pagmumukha nito, ang sarap kasi iyong mukha ng tao paliitin mo.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/26/21/duterte-nagbabala-sa-mga-gumagamit-umano-ng-pangalan-niya-para-sa-mga-proyekto

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.