Tsina, bansang nakaakit ng pinakamaraming pondong dayuhan noong 2020

Ipinahayag ni Zhan Xiaoning, Puno ng Departamento ng Pamumuhunan at Bahay-kalakal ng United Nations Conference on Trade and Development, na sa kabila ng negatibong epekto sa mga ekonomiya sa buong mundo ng pandemiya ng novel coronavirus disease, lumaki pa rin ang naakit na pondong dayuhan ng Tsina noong 2020.

Ito ay nasabi ni Zhan sa tanyag na China Media Group sa isang panayam.

Dagdag ni Zhan na nalampasan pa nito ang Estados Unidos bilang bansang pinapasukan ang pinakamaraming pondong dayuhan sa buong daigdig.

Ayon sa United Nations Conference on Trade and Development, noong isang taon, umabot sa 163 bilyong dolyares ang pondong dayuhang aktuwal na pumasok sa ekonomiya ng Tsina. Ito ay mas malaki ng apat na porsyento kumpara sa taong 2019.

Bukod dito, tumaas din sa 19 porsyento ang proporsiyon ng pag-akit ng pondong dayuhan ng Tsina sa buong mundo.

Source: http://filipino.cri.cn/20210125/114a6e78-9e4a-7546-367a-89f480ee4882.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.