Walang budget cut para sa contact tracers

Tiniyak ng Malacañang na magpapatuloy ang gobyerno sa paglalaan ng pondo para sa pagkuha ng mga contact tracer sa buong bansa.

Nagbigay ng katiyakan si Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng kamakailang anunsyo ng Department of the Interior and Local Government na nahaharap ito sa “budget limitations,” na nag-udyok sa ahensya na mag-rehire lamang ng 15,000 sa halos 50,000 contact tracers na tinanggap noong nakaraang taon.

Ani Roque, “I really doubt na babawasan natin ‘yung budget for contact tracers at this time.”

Idinagdag niya na may mga pagkaantala lamang sa pamamahagi ng sweldo ng contact tracers dahil nagtatrabaho sila sa ilalim ng isang kontraktwal na iskema. Gayunpaman, tiniyak niya sa mga contact tracer na ang kanilang kontrata sa gobyerno ay marerenew matapos itong mag-expire noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ani Roque, “I think it is forthcoming, ‘Yung renewal ng kanilang mga kontrata.”

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1128604

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.