Deadline sa road clearing ops, pinalawig pa ng DILG sa February 15

Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government ang deadline para sa road clearing operations sa bansa hanggang sa Pebrero 15.

Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga local government units na maiprayoridad ang COVID-19 mass vaccination program.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, batid nila ang pangangailangan na makapaghanda ang mga barangay sa mass vaccination kaya’t pinalawig ang deadline sa road clearing.

Ito na daw ang huling ekstensyon na pagbibigyan ng DILG para dito.

Aniya pa, “We need to give LGUs time to focus on their local vaccination plans so we are giving them more time to undertake their road-clearing operations.”

Matatandaang ang orihinal na deadline sa road clearing ay noong Enero 15. Ang road clearing ay isinasagawa alinsunod sa kautusan ni Pangulo Duterte na linisin ang mga kalsada upang maibalik sa mga mamamayan at mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/01/24/2072617/deadline-sa-road-clearing-ops-pinalawig-pa-ng-dilg-sa-february-15

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.