PRC umapela ng blood plasma donations

Patuloy na umaapela ang Philippine Red Cross sa mga taong nakarekober na sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang blood plasma.

Ayon kay Dr. Monina Nalupta, head ng PRC National Blood Services, ang blood plasma ay makatutulong sa mabilis na paggaling ng mga pasyente mula sa COVID-19.

Sa ngayon aniya ay umaabot na sa 614 virus patients ang napagkalooban nila ng convalescent plasma.

Sinabi ng PRC na ang blood plasma mula sa COVID-19 survivor ay nagtataglay ng neutralizing antibodies na nakatutulong sa recipients nito na labanan ang impeksiyon na nakapasok sa kanilang katawan.

Panawagan pa ni Nalupta, “Patuloy po tayong nananawagan sa recovered patients ng COVID para magbigay.”

Matatandaang kabilang ang Philippine General Hospital at St. Luke’s Medical Center sa mga health facilities sa bansa na gumagamit ng convalescent plasma therapy sa kanilang novel coronavirus disease patients.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/01/25/2072815/prc-umapela-ng-blood-plasma-donations

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.