SSS malulugi ng P41.37 bilyon kung ‘di matutuloy ang contribution hike

Umapela ang Social Security System sa mga mambabatas sa Kamara na ikonsidera ang pag-apruba sa panukalang pagtataas ng contribution rate para maipagkaloob ang mas mahusay na serbisyo sa mga miyembro, pensioners at kanilang mga benepisyaryo.

Ayon kay SSS President Aurora Ignacio, may malaking epekto kapag na-delay ang pagpapatupad sa pagtataas ng contribution rate. Malulugi ang SSS ng 41 bilyong piso.

Binigyang diin ni Ignacio na ang dagdag na kontribusyon ay maliit lamang kung ibabase sa serbisyong ipagkakaloob sa mga miyembro, pensioners at kanilang mga benepisyaryo.

Tiyak aniyang mahihirapan ang SSS na tustusan ang pagbibigay pensyon at iba pang benepisyo kung hindi itataas ang singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Nasa 15 hanggang 100 pesos ang buwanang rate increase ng mga employed members habang nasa 30 hanggang 200 pesos ang itataas na singil sa mga self-employed at voluntary members.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/01/23/2072396/sss-malulugi-ng-p4137-bilyon-kung-di-matutuloy-ang-contribution-hike

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.