Molecular labs ng PRC sa Metro Manila, kayang magproseso ng hanggang 8K saliva COVID-19 tests, kada araw

Aabot sa hanggang 8,000 saliva COVID-19 tests ang kayang ipro­seso kada araw ng mga molecular laboratories ng Philippine Red Cross sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC molecular laboratories, kasabay nang pagsisimula na kahapon nang paggamit nila ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng novel coronavirus disease sa bansa.

Ayon kay Ubial, sa ngayon ay sa kanilang mga laboratoryo pa lamang sa Mandaluyong at sa Port Area, Manila available ang saliva tests, kung saan kaya aniya nilang iproseso ang hanggang 8,000 saliva samples.

Gayunman, mada­ragdagan pa aniya ang kanilang kapasidad sa susunod na buwan dahil dadalhin din nila ang saliva COVID-19 testing sa mga probinsiya.

Sinabi ni Ubial na mayroon 10 laboratoryo ang Philippine Red Cross sa mga lalawigan at inaasahan aniya nilang makakaya doong magproseso ng hanggang 22,000 saliva tests araw-araw.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/01/26/2073086/molecular-labs-ng-prc-sa-metro-manila-kayang-magproseso-ng-hanggang-8k-saliva-covid-19-tests-kada-araw

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.