Xi Jinping, bumigkas ng talumpati sa WEF Davos Agenda 2021

Sa kanyang espesyal na talumpati sa virtual Dialogue Meeting ng Davos Agenda ng World Economic Forum, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ngayon, hindi pa tapos ang pandemiya ng COVID-19.

Ngunit, nananalig aniya siyang tiyak na mapagtatagumpayan ng sangkatauhan ang pandemiya, at mapapasulong at mapapalaki ang proseso ng pakikibaka laban sa pandemiya.

Ani Xi, dapat magkooperasyon ang buong mundo sa harap ng lahat ng isyung pandaigdig.Hindi aniya maaaring malutas ang mga problemang kinakaharap ng sangkatauhan sa pamamagitan ng puwersa ng iisang bansa.

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na walang magkaparehong dahon ng halaman sa mundo. Sa katulad na paraan, wala rin aniyang magkaparehong kasaysayan, kultura, at sistemang panlipunan sa daigdig.

Diin ni Xi, gumagawa ng mga hakbang ang Tsina na kapaki-pakinabang sa buong sangkatauhan.

Source: http://filipino.cri.cn/20210125/f74f4498-55a5-886f-1e22-21e6715dd79c.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.