COVID-19 saliva test aprubado na ng DOH

Matapos ang ilang buwang paghihintay, aprubado na ng Department of Health ang COVID-19 saliva test na isinusulong ng Philippined Red Cross. Ito ay matapos ang isinagawang pilot test ng PRC sa 1,000 health workers noong isang linggo.

Sabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, “It was agreed by the laboratory experts panel na puwede nang payagan [ang saliva test].”

Sa liham na pinadala ni Health Secretary Francisco Duque kay PRC Chairman Richard Gordon, pinuri ng kalihim ang isinagawang pilot test at pagsunod ng PRC sa mga rekomendasyon ng kagawaran.

Pinayagan na rin ang laway ng tao bilang alternatibong specimen para sa RT-PCR test. Isasagawa ito sa mga laboratoryo ng PRC gamit ang Sansure kit.

Inatasan din ng DOH ang PRC na regular na magsumite ng report sa Research Institute for Tropical Medicine upang mas mapag-aralan ang concordance rate o accuracy rate ng saliva test sa swab test.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/24/21/covid-19-saliva-test-aprubado-na-ng-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.