Pulis inakyat ang bundok para maghatid ng learning module sa paaralan

Hindi alintana ni Police Staff Sergeant Vincent Aaron Gomayat ang pagod madala lang ang mga learning module sa mga estudyante sa bayan ng Sadanga, Mountain Province.

Kamakailan, naging trending sa social media ang kaniyang retrato na naghahatid ng learning module sa eskwelahan.

Kuwento ni Gomayat, hindi kasi makadaan ang sasakyan at motor sa bundok kaya kinailangan itong lakarin.Mahigit isang oras nilang nilakad ang bundok.

Sabi ni Gomayat, “Iyong napicture-an po sa Buluang iyon. Bale iyon po ang considered na pinaka-malayong barangay dito. Not road accessible po siya.”

Dagdag niya, hindi maiiwasang mapagod pero iniisip na lang niya na para sa mga bata ang kanilang ginagawa. Naranasan din daw kasi nito ang hirap ng pagiging estudyante sa kanilang lugar.

Paalala ni Gomayat sa mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Tubong Mountain Province din si Gomayat at 20 taon nang nasa serbisyo bilang pulis.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/24/21/pulis-inakyat-ang-bundok-para-maghatid-ng-learning-module-sa-paaralan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.