Turismo sa Taal hirap pa ring makabangon

Mula sa naglalakihan at makasaysayang mga bahay na itinayo noon pang panahon ng mga Kastila hanggang sa pinakamalaking Simbahang Katolika sa Southeast Asia, hitik sa tourist spots ang bayan ng Taal sa Batangas, na tinaguriang “Heritage Town of the South.”

Pero sa pagputok ng bulkang Taal at pagkalat ng novel coronavirus disease noong simula ng nakaraang taon, nalugmok ang masiglang turismo ng bayan.

Kasabay ng pagkawala ng mga turista, nawalan din ng kita ang mga taga-Taal.Kahit ngayong tumatanggap na ng turista ang bayan, maraming museo ang nananatiling sarado.

Tanging ang Galleria Taal, kung saan matatagpuan ang koleksiyon ng mga vintage camera, ang bukas. Pero madalang pa ang mga bumibisita.

Kuwento ng tour guide na si Jeromelle Reyes, “Unti-unti naman po bumabalik ‘yong mga tourist… ‘Yoong mga student pa lang ang wala kasi kalimitan ng mga tourist namin ay mga estudyante, like field trips.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/24/21/turismo-sa-taal-hirap-pa-ring-makabangon

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.