Roll-out plans ng telcos naisumite na sa NTC

Pinagsubmit ng National Telecommunications Commission ang lahat ng public kumpanya ng telekomunikasyon ng kani-kanilang roll out plan upang masiguro na tuluy-tuloy nang mapapabilis ang internet speed sa bansa.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulo Duterte sa mga kumpanya ng telekomunikasyon noong nakaraang taon na pagbutihin nila ang kanilang mga serbisyo.

Naipabatid na rin ng NTC sa Department of Information and Communications Technology na isusulong nito ang implementasyon ng mga nasabing roll-out plan mula Enero hanggang Hunyo – tamang-tama sa nalalapit na State of the Nation Address ng pangulo.

Magsasagawa rin ng buwanang pagpupulong ang NTC at DICT kasama ang mga telcos upang masigurong ginagawa ng mga ito ang kanilang mga isinumiteng roll-out plan.

Ang NTC at DICT ay tutulong sa telcos sa anumang kakaharaping problema sa implementasyon ng mga roll-out plan lalo na sa usapin ng “red tape.”

Source: https://bandera.inquirer.net/275308/roll-out-plans-ng-telcos-naisumite-na-sa-ntc

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.