Tubig sa Marikina River tumaas: Daan-daang residente, inilikas

Daan-daang residente ng Marikina City ang napilitan na namang magsilikas ng kanilang mga tahanan  matapos na tumaas ang antas ng tubig sa Marikina River dahil sa magdamagang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, noong madaling araw ng Huwebes.

Batay sa ulat ng Marikina City Disaster Risk Reduction Management Office/Rescue 161, dahil sa walang tigil na pag-ulan kamakalawa ng gabi ay nagpatuloy ang pagtaas ng tubig sa Marikina River, at umakyat sa ikalawang alarma.

Hudyat ito na kailangan na ang paglikas ng mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar.Kaagad namang inilikas ang mga residente na nasa mababang lugar.

Inaasahang tuluyan na ring papayagang makauwi ng kanilang mga tahanan ang mga pamilyang dinala sa mga evacuation centers sa sandaling tuluyan nang bumaba ang tubig sa ilog.

Ayon sa PAGASA, ang magda­magang pag-ulan ay dulot ng boundary ng easterlies at hanging amihan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/01/22/2072122/tubig-sa-marikina-river-tumaas-daan-daang-residente-inilikas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.