Mga guro sa Isabela unang isasalang sa COVID-19 vaccination

Mga guro ang unang isasalang sa napi­pintong mass vaccinations laban sa COVID-19 sakaling mag-umpisa na ang vaccine rollout sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang inihayag ni Isabela Governor Rodolfo Albano III sa isang pulong sa mga guro sa bayan ng Tumauini kamakalawa.

Paniguro ng gobernador, “Huwag kayong mag-alala. Ako muna (ang papaturok). Kami muna para huwag kayong matakot. One dose today, and the other dose after 28 days. Kung walang mangyari sa amin after the vaccine, saka kayo susunod. Pero kung may adverse reaction, sasabihin namin kaagad.”

Dagdag ni Albano, “Tulad ng sinasabi ng national government, mauuna ang mga frontliners. Kami naman sa local government unit, uunahin namin kayong mga teachers para dumami ang mga estudyanteng matulungan ninyo.”

Inaasahang makapagbabakuna ng 50,000 Isabelino ang unang 100,000 doses ng COVID-19 vaccine na inorder ng pamahalaan mula sa AstraZeneca.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/01/22/2072083/mga-guro-unang-isasalang-sa-covid-19-vaccination

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.