Pagpapa-ilaw sa mga lansangan hiling ng MMDA sa DPWH

Hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos sa Department of Public Works and Highways na isaayos ang mga ilaw ng mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para sa mas ligtas na paglalakbay.

Ani Abalos, napakahalaga ng street lights dahil kung mas maliwanag, hindi man maiwasan ang pagkakaroon ng mga aksidente, mas mababawasan naman ang fatal road accidents.

Paliwanag ni Abalos, “Public safety is our utmost priority. Only one busted or broken light would endanger lives. Without the street lights, our motorists and commuters are in danger. Part of road safety is making the road visible to all its users.”

Sang-ayon naman si DPWH Undersecretary Robert Bernardo na ayusin ang lahat ng street lights sa  mga pa­ngunahing kalye at i-turn over ito sa MMDA sa loob ng 10 araw. Ang DPWH din ang magbabayad sa electric bill ng road lights hanggang sa oras na mailipat na ang mga ito sa MMDA.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/01/22/2072121/pagpapa-ilaw-sa-mga-lansangan-hiling-ng-mmda-sa-dpwh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.