Puno ng IOC: Walang plan B para sa Tokyo Olympics

Sinabi nitong nakaraang Huwebes, Enero 21, ni Thomas Bach, Tagapangulo ng International Olympic Committee na tiyak na idaraos ang Tokyo Olympic Games sa darating na tag-init, ayon sa nakatakdang iskedyul.

Sa kabila ng kalagayang hindi nakokontrol ang novel coronavirus disease pandemiya, ang International Olympic Committee ay walang plan B.

Saad ni Bach, ang pinakamahalagang tungkulin ay paggarantiya sa seguridad, at kailangang maging pleksible at magsakripisyo ang International Olympic Committee.Tandaan, and Olympic Games sa Tokyo at orihinal na nakaplano para sa Hulyo ng nakaraang taon, pero ito ay inurong dahil sa COVID-19 pandemiya.

Bilyung-bilyong dolyares and nakatakdang malulugi sa bansang Japan kung hindi itutuloy ang Olympic Games.

Lampas 11,000 na atleta galing sa 206 na bansa ang nakatakdang makikihalubilo sa 339 na kumpetisyon na nakaplano para sa Tokyo Olympics.

Source: http://filipino.cri.cn/20210122/18248c3f-b88f-2a09-f42a-8f2a7504dc78.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.