Nag-share, nag-like ng maling impormasyon tungkol sa Covid-19 ‘hinahunting’ ng Facebook

Magpapadala ng notice ang Facebook sa mga user nito na nag-like, nag-comment o nag-share ng mga maling impormasyon kaugnay ng coronavirus disease 2019.

Sa isang post ni Guy Rosen, VP Integrity ng Facebook, sinabi nito na patuloy ang mga ginagawa nilang hakbang upang maalis sa FB ang mga maling impormasyon.

Ang notice sa mga nag-share, like o comment sa mga misinformation ay makikita sa News Feed ng user.

Ani Rosen, “These messages will connect people to COVID-19 myths debunked by the WHO including ones we’ve removed from our platform for leading to imminent physical harm. We want to connect people who may have interacted with harmful misinformation about the virus with the truth from authoritative sources in case they see or hear these claims again off of Facebook.”

Mahigit sa dalawang bilyong user na umano ang naikonekta nila sa WHO upang doon maghanap tamang impormasyon kaugnay ng COVID-19.

Source: https://bandera.inquirer.net/248937/nag-share-nag-like-ng-maling-impormasyon-tungkol-sa-covid-19-hinahunting-ng-facebook

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.