NTC nagpalabas ng show cause order laban sa mga internet service provider dahil sa child pornography

Nagpalabas ng show cause order ang National Telecommunications Commission sa mga internet service providers dahil sa kabiguan ng mga itong sugpuin ang paglaganap ng child pornography.

Noong nagdaang cabinet meeting, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NTC na magpataw ng sanctions sa mga ISP bunsod ng hindi nahihintong paglaganap ng online child pornography.

Kasunod ito ng ulat na tumaas ang child sexual exploitation sa web sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya ng COVID-19.Ayon sa NTC, nitong nagdaang weekend, nagpalabas na ito ng Show Cause Orders sa mga provider ng internet service.

Dahil ito sa kabiguan ng mga ISP na magtalaga ng karampatang teknolohiya, program o software para maharang ang access o ma-filter ang mga website na nagtataglay ng child pornography materials.

Inatasan ang ISPs na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila nararapat na matapawan ng administrative sanction dahil sa naturang paglabag.

Source: https://bandera.inquirer.net/275050/ntc-nagpalabas-ng-show-cause-orders-laban-sa-mga-internet-service-provider-dahil-sa-child-pornography

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.