Pinas ikalawa na pinaka-Instagrammable na bansa sa mundo

Pumangalawa ang Pilipinas sa tinaguriang “50 Most Instagrammable Places in the World,” ayon sa ranking ng isang international travel website.

Inilathala ng Big 7 Travel, “Home to incredible natural wonders like an underground river and tranquil rice terraces in addition to a vibrant culture and history spanning several millennia; and over 7,500 islands – the Philippines as a whole are extremely Instagrammable.”

Dagdag nito, “From the bustling capital of Manila complete with colorful colonial streets to the absolute oasis of Boracay, the gram opportunities here are endless.”

Nanguna sa listahan ang Tokyo, Japan na may 53 milyong #tokyo hashtag. Pangatlo naman ang Paris, pang-apat ang New York at pang-lima ang Istanbul sa Turkey. Ika-50 sa listahan ang Athens, Greece.

Ang Top 50 na listahan ay nagawa ayon sa scoring system na nagsuri sa dami ng hashtag na nakuha ng mga lugar, resulta ng sarbey mula sa social audience, at input mula sa editorial team.

Source: https://bandera.inquirer.net/274877/pinas-ikalawa-na-pinaka-instagrammable-na-bansa-sa-mundo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.