Ministri ng Komersyo ng Tsina: Ibayo pang palalawakin ang network ng malayang kalakalan

Sa regular na news briefing sa mga miyembro ng media ng Ministri ng Komersyo ng Tsina noong Huwebes, Enero 21, inihayag ni Tagapagsalita Gao Feng ang kahandaan ng Tsina na lagdaan, kasama ng mas maraming trade partner ang kasunduan sa malayang kalakalan, at aktibong isaalang-alang ang pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership.

Nang mabanggit ang plano ng Tsina sa pagpapalawak ng kasunduan sa malayang kalakalan sa susunod na hakbang, isiniwalat ni Gao na sa isang banda, ibayo pang palalawakin ng bansa ang network ng malayang kalakalan.

Aniya, nakahanda ang Tsina na lagdaan, kasama ng mas maraming trade partner ang kasunduan sa malayang kalakalan, upang mapasulong ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan.

At sa kabilang banda naman, puspusang patataasin ang lebel ng kasunduan sa malayang kalakalan.

Source: http://filipino.cri.cn/20210122/4252850d-43f3-8035-700d-65d2f3869fee.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.