Food supply sa mga naka-granular lockdown, tiniyak

Tiniyak ng Malacañang na makakatanggap ng food supplies ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdowns sa Metro Manila, pero wala na silang matatanggap na pera bilang ayuda.

Ang suplay ng pagkain ay magkatuwang na responsibilidad ng mga local government units at Department of Social Welfare and Development.

Sabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos Jr. na ang LGU at DSWD ay maghahati sa dalawang linggong granular lockdown. Ang LGU ang mamahagi ng food packs sa unang linggo at ang DSWD sa ikalawang linggo.

Dagdag niya na mga 3,000 pamilya ang isasailalim sa lockdown sa Metro Manila sa pagpapatupad ng bagong quarantine classification na may alert levels.

Ang Department of Health ang magdedeklara kung anong lugar ang ilalagay sa ilalim ng Alert Levels one hanggang four samantalang ang IATF ang magdedeklara ng Alert Level 5 o hard lockdown.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/09/15/2127184/food-supply-sa-mga-naka-granular-lockdown-tiniyak

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.