2 positive lang sa COVID-19, kalsada lockdown agad

Magiging sobrang higpit umano ng ipatutupad na ‘granular lockdown’ ng pamahalaan dahil agad na ipasasara ang isang kalsada sa oras na makatukoy ng dalawang positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council, ipatutupad ang mga lockdowns sa mga kabahayan, gusali, kalsada, at subdibisyon na kakikitaan ng biglaang pagtaas ng mga kaso. Tatagal ang ipatutupad na lockdown ng hanggang 14 na araw.

Paliwanag ni Olivarez, “Katulad po sa isang floor ng isang condominium… basta magkaroon lang po ng isa pong case doon, ‘yong mismong isang floor na ‘yon ay puwede na po nating i-lock down po ‘yan.”

Dagdag niya, “Isang bahay, puwede po nating i-lock down basta magkaroon lang po ng isang case po sa isang bahay. Kapag po sa kalsada, sa isang sitio po, mag-2 lang po ng case doon ay puwede na po nating magkaroon ng lockdown po d’yan para po ma-implement din.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/09/16/2127424/2-positive-lang-sa-covid-19-kalsada-lockdown-agad

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.