Public at private schools sa Quezon City, lalagyan na rin ng vaccination sites

Plano ng Quezon City government na maglagay ng vaccination sites sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Ayon ito kay Joseph Juico, co-chair ng Vax To Normal Task Force ng QC government na nagsabing gagawin ito sa oras na payagan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17-anyos.

Magugunitang nauna ang hiniling ni Mayor Joy Belmonte na payagan nang mabakunahan ang mga kabataan, ito ay dahil na rin sa tumataas na bilang mga menor-de-edad na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Juico, nakikipag-ugnayan ngayon ang lokal na pamahalaan sa lahat ng public at private schools sa lungsod para makuha ang masterlist ng mga mag-aaral na kabataan.

Anya angkop ang vaccine na Moderna sa mga kabataang ito. Ang hakbang ay isang paraan para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng virus sa mga kabataan. May mahigit sa 12,000 minors sa QC ang may COVID-19.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/09/14/2126985/public-private-schools-sa-quezon-city-lalagyan-na-rin-ng-vaccination-sites

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.