FDA nagbabala sa nasal spray na gamot daw sa COVID-19

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration kaugnay sa nasal spray products na sinasabing nakakagamot ng COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mayroong limang nasal spray products ang inoowtorisang ibenta sa bansa. Gayunman, nilinaw nito na wala kahit isa sa mga produktong ito ang nakarehistro sa FDA bilang gamot sa novel coronavirus disease.

Samantala, sinabi naman ni Center for Device Regulation, Radiation Health and Research director Cecille Matienzo na sisilipin nila ang buong database sa lahat ng registered at notified nasal spray products ng bansa. Buhat umano doon titignan nila ang bahagi kailangang marebyu.

Ayon pa kay Matienzo, “We cannot say at this time if it is purely misleading claims or on the marketing of the product.”

Nagbabala ang FDA na ang ganitong mga prodüktö ay hindi dapat gamiting substitute sa gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/09/14/2126980/fda-nagbabala-sa-nasal-spray-na-gamot-daw-sa-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.