P422 milyong iniwan ­pinsala ni ‘KIKO’ sa Batanes

Mahigit 422 milyon piso ang iniwang pinsala ng bagyong Kiko sa probinsya ng Batanes.

Ito ang kinumpirma ni Governor Marilou Cayco at sa inisyal na pagtaya, kabilang sa mga naging pinsala ay ang mga tahanan na nasa 39 milyon piso, mga imprastraktura na nasa 237 milyon piso, 119 milyon piso naman para sa agrikultura at 32 milyon piso na mga nasirang poste.

Sinabi ni Cayco, “Sa 310 kilometers per hour na bugso ng hanging napakalawak ng pinsalang idinulot ng supertyphoon sa aming probinsya. Just imagine, yung isang container van inilipad at napunta sa bubong ng DepEd.”

Sa kabila ng iniwang pinsala, pasalamat pa rin umano ang probinsya dahil walang naitalang nasawi dito bagama’t mayroong 27 nasaktan at 56 nawalan ng tirahan.

Patuloy ang assessment ng pamahalaang panlalawigan at magbibigay ng kumpletong detalye sa oras na matapos na ito.

Nananawagan naman ng tulong ang probinsya para sa bigas, kahoy at yero.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/09/16/2127452/p422-milyong-iniwang-pinsala-ni-kiko-sa-batanes

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.