Pangulong Tsino, nagtalumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng 6th Eastern Economic Forum

Sa paanyaya ni Pangulong Viladmir Putin ng Rusya, sa pamamagitan ng video link, lumahok at nagtalumpati noong Biyernes, ika-3 ng Setyembre 3, sa siyudad ng Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa seremoniya ng pagbubukas ng ika-6 na Eastern Economic Forum.

Ang porum na ito ay itinaguyod ni Pangulong Putin ng bansang Rusya noong 2015. Ito ay mahalagang hakbangin ng Rusya upang pasulungin ang kooperasyon sa rehiyong far east.

Mabunga ang kooperasyon ng mga bansang Tsina at Rusya nitong ilang taong nakalipas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner at pinakamalaking bansa na pinagmumulan ng puhunang dayuhan ng Rusya sa rehiyong far east.

Ang situasyon na ito ay siyang pinasasalamatan ng dalawang bansa at nais pa ng Tsina at Rusya na palawakin at palakasin pa ang relasyon ng kanilang mga gobyerno, mamamayan at ekonomiya.

Source: http://filipino.cri.cn/20210903/57655d7f-fb68-6ed7-7a61-a8c32953ff69.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.